Ikinalungkot ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na mayruong naitalang casualty dahil sa bagyong Pepito sa Camarines Norte.
Sinabi ng Pangulo na nakalulungkot ito dahil para sa kaniya ang isang bilang na namatay ay hindi pa rin maganda.
Gayunpaman, mabuti na lamang at hindi naman sintindi ng unang inasahan nila at kinatakutan ang idinulot ng bagyong Pepito.
Pinasalamatan ng Pangulo ang lahat ng lokal na pamahalaan at mga ahensiya ng gobyerno na nagtrabaho para maiwasan ang matinding epekto ng bagyo.
Pinasalamatan din nito ang publiko na nakipag kooperasyon o ginawa ang parte nila para maging madali sa lahat ng pagtugon sa sitwasyon.
Ito na ang pang anim na bagyo na binuno ng lahat.
” Im sorry, Im sadden to report na meron tayong casualty, isa sa Cam Norte. You know my feelings about that, one casualty too many, so that is unfortunate. However I still would like to congratulate dahil kailangang pasalamatan natin, lahat ng mga first responder, yung mga lGU, lahat ng mga nagtatrabaho na pang anim na nila ito. I’m sure that they are exhausted, I am sure they have done and continued to do and work as much as hard as I can kaya tayo po’y nagpapasalamat sa kanila. At sa taongbayan din, sila ay tumutulong at hanggat kaya at sinusundan naman ng ating mga bulletin ukol sa mga kailangang gawin, kaya’t kahit papano sa lakas ng Pepito, eh hindi kasing sama ng aming kinakatakutan, it’s wasn’t as bad as we fear,” pahayag ni Pang. Marcos.