Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kaniya ng inasahan na hindi sasagutin ng China ang kaniyang naging hamon.
Hanggang sa ngayon kasi walang tugon ang China sa hamon ng Pangulo na tigilan na nito ang pambu bully at pangha-harass sa mga barko ng Pilipinas para ibalik niya sa Amerika ang typhon missile system.
Sinabi ng Pangulo na ginagawa lamang ng Philippine Navy at PCG ang pagtupad o pag exercise lamang sa otoridad nila sa law enforcement.
Ayon sa pangulo, walang ibang tugon sa kaniyang hamon ang China o anumang partikular na pahayag hinggil sa pagbabawas ng tensiyon sa wps, at pagbabawas sa agresibo nilang aksyon.
” No. I didn’t expect them to either. Because… No, I didn’t expect them to, and they haven’t responded specifically. They have responded in general terms saying that what they do is a lawful exercise and law enforcement and all that. But no, nothing specific on the missiles, nothing specific about the reduction of tension, the reduction of the aggressive moves. Nothing like that. Wala kaming napag-usapan na ganoon,” pahayag ni Pang Marcos.