Inalis na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang Proclamation No. 55 na nagdi deklara ng state of national emergency on account of lawlessness violence in Mindanao.
Ang Proklamasyon Blg. 298 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Hulyo 25, 2023 ay nagsasaad na ang mga kondisyong umiiral noon kung saan ang Proklamasyon Blg. 55 ay inilabas noong 2016 ay lubos na nabawasan.
Nakasaad sa proklamasyon na sa pamamagitan ng matagumpay na pagtutok ng militar at pagpapatupad ng batas at mga programa na nagtataguyod ng inklusibong kapayapaan, ang pamahalaan ay nakagawa ng makabuluhang mga tagumpay sa pagpapabuti at pagpapanumbalik ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Dagdag pa nito, na ang pag-alis ng Proclamation No. 55 (s. 2016) ay magpapalakas sa aktibidad ng ekonomiya at magpapabilis sa pagbangon ng lokal na ekonomiya.
Inilabas ang Proclamation No. 55 noong Setyembre 4, 2016 dahil sa karahasan sa paglabag sa batas na ginagawa ng mga pribadong hukbo at mga lokal na warlord, bandido, sindikato ng kriminal, grupo ng mga terorista at mga ekstremista sa relihiyon sa mga grupo ng isla.