Inamin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na hinarang nito ang paghahain ng impeachment case kahapon laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang ambush interview sa Lucena City sa Quezon Province sinabi ng Pangulo na walang patutunguhan ang paghahain ng impeachment laban sa pangalawang pangulo.
Nabigla din si Presidente kung bakit na leak ang nasabing komunikasyon.
Aniya sa kaniyang opinyon hindi ito importante at hindi rin ito magkakaroon ng pagbabago sa buhay ng mga Filipino kaya bakit pa aniya aksayin ang oras.
Samantala kung maalala kumalat kahapon ang umnoy txt message ng pangulo na pinapatigil ang paghain ng impeachment.
Nakakasa na kahapon ang paghain ng impeachment laban kay VP Sara.
Hindi naman sinabi ng pangulo kung kanino niya ipinadala ang nasabing text message.