Nilagdaan na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Administrative Order (AO) No. 27 na nagpapahintulot sa pagrelease ng Service Recognition Incentive (SRI) para sa lahat ng kawani ng gobyerno para sa taong 2024.
Sa ilalim ng kautusan, ang SRI para sa mga empleyado ng Executive
Department ay hindi lalampas ng P20,000.
Kabilang dito ang civilian personnel sa national government agencies (NGAs), kasama ang state universities and colleges (SUCs) at government-owned or -controlled corporations. (regular, contractual or casual positions;
Gayundin ang uniformed personnel ng AFP Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard at National Mapping and Resource Information Authority.
Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, sa unang pagkakataon ay makukuha ng mga guro nang buo ang kanilang SRI. Mula P15,000 noong 2022 at P18,000 noong 2023, magiging P20,000 na ito ngayong 2024.
Para naman sa mga pulis kung noong 2023 ay P12,500 lang ang na-receive na SRI, ngayong 2024 ay magiging P20,000 na rin ito.
Gayunpaman, ang pondo para sa pagbibigay ng SRI ay nakadepende sa available allotment ng ahensya, na siyang magpapasya sa halaga ng SRI na ipagkakaloob sa kanilang mga empleyado para sa 2024.
Ang SRI ay isang insentibo na ibinibigay sa mga kawani ng gobyerno bilang pagkikilala dedikasyon sa serbisyo publiko.