Inaprubahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Department of Social Welfare and Development na taasan ang cash grant sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ginawa ng Pangulo ang pag apruba sa ginanap na sectoral meeting kasama ang DSWD, NEDA at iba pang kaukulang ahensya sa Malakanyang kanina.
Sa pulong kanina, inaprubahan ni PBBM ang mungkahi ng DSWD kabilang ang expansion ng programa kung saan isasama na rin ang mga buntis at nagpapasusong ina sa 4Ps.
Kasabay nito’y inatasan ng Presidente ang DSWD at NEDA na isapinal ang mga numero para agad maipatupad ang mas mataas na 4Ps grant.
Matatandaang sa naunang pulong noong Pebrero tungkol sa panukalang mga reporma sa 4Ps, inirekomenda ng DSWD na dagdagan ang halaga ng 4Ps grant at mabigyan rin ng cash grant ang First 1,000 Days (F1KD) ng mga bata.
Magpapataas daw kasi ang adjustments sa purchasing power ng 4Ps beneficiaries at magbibigay ng insentibo sa mga ito para paghusayin ang compliance sa mga kondisyon ng programa na tutugon sa problema sa malnutrisyon at pagkabansot.