-- Advertisements --

Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos ang isinusulong ng Department of Budget (DBM) na e-marketplace procurement process sa ilalim ng Philippine Government Electronic Procurement System o Philgeps.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang e-Marketplace ay kabilang sa ipinapanukalang amendments sa RA 9184 o Government Procurement Act.

Binigyang-diin din ni PS-DBM Executive Director Atty. Dennis Santiago, na sa pag gamit ng e-Marketplace, inaasahang mas mapapaikli ang proseso ng procurement, kumpara sa dating proseso na tumatagal ng 26-136days.

Inaasahan din na makakatipid dito ang gobyerno ng 8-15% kumpara sa tradisyunal na procurement process.

Una munang gagamitin ang e-Marketplace sa mga vehicle procurement ng pamahalaan, at nakatakda itong ilunsad sa katapusan ng Hulyo ng kasalukuyang taon.

Inihayag din ni Pangandaman na excited sila para sa official launch ng e-Marketplace sa katapusan ng buwan ng July.

Ayon sa Kalihim, bahagi ito ng kanilang hakbang para i-digitalize ang government’s procurement system at tugunan ang mga isyu sa procurement process.

Ipinunto din ng kalihim na mababawasan na rin ang korupsiyon sa mga procurement ng gobyerno.