Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pabubukas ng klase sa Jukly 29, 2024 at magtatapos sa April 15, 2025 para sa school year 2024-2025.
Ang nasabing hakbang ay para sa unti-unting pagbabalik ng school days sa traditional arrangement.
Kahapon pinulong ni Pangulong Marcos si Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte sa Palasyo ng Malacañang kung saan nag presenta ng dalawang option para maibalik sa dating June-March ang school calendar.
Ang unang option ay magkaroon ng 180 school days at 15 in-person Saturday classes, habang ang second option ay magkaroon ng 165 school days at walang in-person Saturday class na parehong magtatapos sa March 31, 2025.
Pero sinabi ni Pangulong Marcos na maikli ang 165 days, at ayaw nya ring pumasok ang mga estudyante tuwing Sabado.
Sinabi ni Pangulong Marcos na sa halip na magtapos sa Marso 31, 2025, dapat ay i-adjust ng DepEd ang school year sa April 15, 2025 upang makumpleto ng mga estudyante ang 180 araw nang hindi kailangan pumasok tuwing Sabado.
“Habaan lang natin ‘yung school days. Para matagal, dagdagan na lang natin ‘yung school days basta huwag natin gagalawin ‘yung Saturday. So, school day will remain the same. Standard lang,” pahayag ni Pangulong Marcos kay Vice President Duterte sa ginanap na pulong sa Malakanyang kahapon.
Para sa schoolyear 2025-2026, babalik na sa june ang pasukan at magtatapos ng March ng kasunod na taon o sa 2026 o ang dating tradisyunal nang school calendar.