-- Advertisements --

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pilot food stamp projects ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isinagawang sectoral meeting ngayong araw sa Palasyo ng Malacanang kasama ang mga cabinet secretaries ng ibat ibang government agencies.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian ang nasabing programa ay tatakbo sa loob ng anim na buwan at magiging whole of government approach ang implementasyon ng proyekto.

Nasa 1million house hold partikulae ang mga single parent, pregnant at lactating mothers ang target beneficiaries ng nasabing programa.

Nasa $3 million ang pondo na gugugulin ng gobyerno sa pamamagitan ng mga grants mula sa Asian Development Bank, JICA at French Development Agency.

Ipinaliwanag naman ni Gatchalian na ginawa nila ang pilot implementation ng programa ay para matiyak na walang pera na masasayang sa sandaling ipatupad na ang full implementation ng food stamp program.

Layon ng pamahalaan na labanan ang malnutrisyon, kagutuman at kahirapan sa bansa.

Ang Department of Health (DOH) ang inatasang titingin sa nutritional value ng mga ihahaing pagkain sa mga beneficiaries.

Nais ng Pangulong Marcos na pagsamahin ang mga programa para sa iisang pamilya.

Ang problema ng stanting o pagka bansot sa bansa ay mahalaga at krusyal para masugpo ito.

Sa panig naman ni Health Secretary Teodoro Herbosa, kaniya ng inatasan ang National Nutrition Council para tutukan ito.

Sinabi ni Herbosa, tutukuyin ng DOH lugar na may mataas ang kaso ng mild, moderately at severely malnourished.

Makakasama ng DOH ang DILG sa pagtukoy sa mga lugar na may mga kaso ng malnutrisyon.

Binigyang linaw naman ni Gatchalian, na ang unang 1,000 days sa implementasyon ng programa ay tugunan ang nutrisyon ng mga nanay lalo na yung mga buntis.