-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Armed Forces of the Philippines 

(AFP) ang agarang imbestigation kaugnay sa pagbasak ng isang FA-50 fighter jet sa Bukidnon na ikinasawi ng dalawang piloto.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, nais mabatid ng Pangulo kung ano ang naging sanhi ng pagbagsak sa suspersonic aircraft.

Dagdag pa ni Usec Castro, lubos na ikinalungkot ng Pangulong Marcos ang pagkasawi ng dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF).

Nagpa-abot din ang Pangulo ng pakikiramay sa mga kaanak ng dalawang Piloto na nasawi sa aksidente.

Sa ngayon may ikinasa ng imbestigasyon ang Philippine Air Force (PAF) upang mabatid ang naging sanhi ng pagbagsak ng fighter aircraft.

Nuong Lunes napaulat na nawawala ang isang FA-50 fighter jet habang nagsasagawa ng Tactical night operations at kahapon kinumpirma ng pamunuan ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) na natukoy na nila ang lugar kung saan bumagsak ang fighter jet aircraft at kinumpirma na nakita ang dalawang piloto na wala ng buhay.

Nilinaw naman ng Eastmincom na walang indikasyon na sumabog ang nasabing aircraft.

Sa kabilang dako, inihayag ng PAF na malaking kawalan ang pagbagsak ng nasabing supersonic aircraft.