-- Advertisements --

Ipinag utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Department of Agriculture (DA) na ibigay ang kailangang suporta at pondo ang mga magsasaka ngayong panahon ng pagtatanim o planting season.

Pinulong ni Pangulong Marcos ang economic managers kahapon kasama rin ang Dept of Agriculture.

Sa nasabing pulong, sinabi ng Pangulo na dapat tiyaking na walang delay o pagkaantala sa pagpapatupad ng mga suportang pang agrikultura sa mga magsasaka para maiwasan ang anumang gaps sa panahon ng pagtatanim.

Inatasan din ng Pangulo ang Dept of Budget and Management (DBM) na tutukan ang planting season at bigyang paryoridad ng pagbibigay ng budgetary support sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa DA, kabilang sa mga suportang dapat maipamahagi sa mga magsasaka ay fertilizers, quality seeds at teknolohiya upang makapagtanim nang tama sa panahon ang mga magsasaka.