-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang sectoral meeting kung saan napag-usapan ang iba’t ibang proyekto at programa ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ipinag-utos ng Pangulo sa DICT na tulungan ang mga lokal na pamahalaan para sa e-Gov system na bahagi ng digitalilization project ng bansa.

Partikular ang mag set-up sa mga LGU para magsimula ng makapag-handa at tiyaking mabibigyan sila ng sapat na kaalaman kung paano mag-ooperate ang digitalization sa kani-kanilang area.

Naniniwala naman si DICT Secretary Ivan John Uy na malaki ang matitipid ng pamahalaan dahil sa mas mabilis na prosesong maihahatid nito sa gobyerno at sa mga mamamayan kapag naipatupad na ang nasabing programa.

Ibinahagi din ng DICT chief sa Pangulo ang iba’t ibang programa na nakapaloob sa National ICT Development Agenda 2023-2028 tulad ng National Broadband Plan, Digital Transformation, pati na rin ang estado ng Cybersecurity ng bansa, at ICT Competency Upskilling at Reskilling project para sa mga pilipino.

Binigyang diin rin ng Pangulo ang pagsasagawa ng regular na upgrading lalo’t ito naman talaga aniya ang galawan kung pag-uusapan ay digitalization.

Disyembre ng inanunsiyo ng DICT ang ipatutupad na  e-Gov system na dito ay isasama ang  e-Gov Super App na isang platform na titiyak sa paggamit ng digitalization sa  government systems ng bansa.

Nakatakda namang ilunsad ang e-Gov Super App sa susunod na buwan.