-- Advertisements --

Inatasan ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Department of Energy (DOE) at National Grid Corporation (NGCP) na tapusin na ang 70 transmission projects sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isinagawang pagpapasinaya nito sa Mariveles-Hermosa-San Jose 500KV Transmission line project sa Bataan.

Nais ng Pangulo na makumpleto ang mga nasabing proyekto na nakapaloob sa Transmission Development Plan partikular ang Batangas-Mindoro Interconnection Project at ang  Northern Luzon 230-kiloVolt Loop. 

Naniniwala kasi ang Pangulo na sa sandaling makumpleto ang nasabing mga proyekto matutugunan na ang patuloy na pag taas ng demand ng power supply, makahikayat din ito ng technological advancements at makakapag buo ng mga trabaho sa ating mga kababayan.  

Binigyang-diin ng Pangulo na malaki ang epekto sa ekonomiya ng bansa na magdudulot sa paglago ng ating bansa.

Excited din ang Pangulo na maging powerhouse ang Bataan at bilang sentro ng economic and development activity sa hinaharap.

Hinikayat din nito ang lahat na makiisa sa layunin ng pamahalaan na magkaroon ng sapat na energy supply para sa lahat.

Hinimok din ng Pangulo ang publiko na magtipid din ng kuryente at maging wais sa paggamit ng power supply.

Lubos na nagagalak ang Pangulong Marcos sa matagumpay na pag kumpleto at energization ng 500 kilo-Volt Transmission Line Project.