-- Advertisements --

Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga concerned agencies ng gobyerno na magiging maayos at ligtas ang pagbiyahe ng ating mga kababayan na magsisi uwian sa mga probinsiya ngayong Holy Week.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, inatasan ng Pangulong Marcos ang Department of Transportation (DOTr) at  maging mga attached agencies nito na palakasin ang kanilang monitoring kasunod ng Holy Week exodus.

Nais ni Pangulong Marcos na matiyak ang kaligtasan at komportable ang mga pasahero sa kanilang pagbiyahe pauwi sa kani kanilang mga probinsiya para mag nilaynilay.

Dahil dito asahan na magiging mahigpit ang inspeksyon sa mga bus terminals, pier at mga airports upang masiguro na ligtas ang mga ito.

Pinatitiyak din ng Pangulo na walang pag-antala sa operasyon ng mga major thoroughfares ng bansa dahil marami ang bibiyahe. 

Sinabi ni Castro na inaasahan kasi na kapag marami ang bumibiyahe nagkakaroon ng pagka antala sa mga biyahe.

Samantala pina-aalerto ng Pangulo ang security sector para maiwasan ang anumang mga untoward incidents ngayong Semana Santa.   

Siniguro ng Palasyo na patuloy magta trabaho ang gobyerno kahit ito ay Holy Week.

Sinabihan ng Pangulo ang mga law enforcers na hindi dapat matulog  upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.