-- Advertisements --

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maaga pa para pag-usapan ang pagbibigay ng executive clemency kay Mary Jane Veloso.

Sa isang panayam sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na malayo pa ang usaping ito sa ngayon, dahil nasa preliminary stage pa lamang ang pagdating ni Veloso sa bansa.

Ayon sa pangulo, batid naman nila ang hiling ng pamilya ni Veloso para sa kanyang clemency, subalit maiging mapag-aralan muna nang husto ng legal experts ang sitwasyon ngayon ni veloso para malaman kung nararapat ito.

Sinabi ng Pangulo na wala namang kondisyon na ibinigay ang gobyerno ng indonesia at ipinauubaya na sa pamahalaan ang pagpapasya.

Gayunpaman, hayaan muna aniyang  mabusisi ng mga experto ang sitwasyon ngayon ni Veloso.

Si Veloso ay dumating kahapon ng umaga sa bansa mula sa Indonesia at idiniretso sa Womens Correctional sa Mandaluyong City kung saan siya mananatili.

“ Hanggang ngayon, malayo pa tayo dun. We still have to have a look at what really her status is and of course we are aware of the request for clemency of her representative and of course her family. And we will leave it to the legal judgment, the judgment of our legal experts to determine whether the provision of clemency is appropriate. So we will have to look at the. Wala namang condition na binigay ang Indonesia so it’s really up to us. But we’re still at a very preliminary stage of her pag-uwi,” pahayag ni Pangulong Marcos.