-- Advertisements --

Inatasan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang liderato ng PCSO na ibalik sa charity work ang ahensiya lalo at marami pa ang nangangailangan ng tulong.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ito pangunahan ang pamamahagi ng nasa 90 Patient Transport Vehicle sa 90 na mga LGUs mula sa Cebu, Bohol, Negros Occidental, Pangasinan, Rizal at Northern Samar ngayong araw na ginanap sa Quirino Grandstand.

Sinabi ng Presidente misyon ng PCSO na tulungan ang mga nangangailangan sa pamamagitan ng charity work.

Kaya nais nito na ipokus ng ahensiya ang pagtulong at hindi sa ibang mga bagay.

Siniguro ng Presidente na lahat ng bayan lalo na ang mga nasa rural areas ay mabibigyan ng patient transport vehicle.

Nangako ito na gawing tig dalawa ang mga naibigay na Patient Transport Vehicle.

Ngayong araw ipinagdiriwang ng PCSO ang kanilang ika-90th anniversary.