-- Advertisements --

Inilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang performance para sa taong 2023 bilang “the year of structural changes,” na siyang makabuluhan sa recovery ng bansa mula sa ibat ibang hamon sa ekonomiya na iniwan ng Covid-19 pandemic.

Diin ng Chief Executive ang structural changes ay siyang solusyon sa problema na iniwan ng pandemic kung saan kailangang i-remodel, ire-adjust ang fiscal policy, monetary policy, spending policy ng sa gayon makakausad ang bansa mula sa Covid economy.

Sinabi ng Pangulo na medyo obsolete na ang ibang structure ng gobyerno, kaya panahon na para i-modernize ito at ipagpatuloy ang pagiging responsive sa bagong ekonomiya.

Giit ng Pang. Marcos, kasalukuyang nasa tamang direksiyon ang bansa kaya mahalaga na ipagpatuloy ang pagsusulong ng sa gayon maramdaman na ang epekto ng mga ginawang mga pagbabago.

Naniniwala din ang Presidente na ang ginawang structural changes sa 2023 ay magkakaroon ng malaking epekto sa taong 2024.