Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang bagong social welfare programs ng gobyerno na magbibigay ng oportunidad sa mga Filipino para umangat ang kanilang pamumuhay
Ginawa ng Pangulo ang mga bagong inisyatiba ng pamahalaan sa pagdiriwang ng ika-74th-anniversary celebration ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ginanap sa SMX Convention Center sa Pasay City.
“Every single centavo spent, every program that is implemented, every decision that has been made must serve a very clear purpose: to create opportunities that endure, that uplift, and reach far beyond just today,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang sa mga bagong programa ay ang Harmonized Electronic License and Permit System (HELPS), na layong i-streamline ang application process para sa mga lisensiya at permits at ang Minors Traveling Abroad System, na mag modernisa sa travel clearance process para sa mga bata upang matiyak ang kanilang seguridad.
Ibinida din ng Pangulo ang Pamilya sa Bagong Pilipinas Program, na siyang sumusuporta sa mga pamilyang Filipino.
Ayon naman kay DSWD Secretary Rex Gatchalia ang digital project na ito ay may tagline na “ Do not fall in lin , Go online.”
Binigyang diin ni Pang. Marcos ang kahalagahan ng papel ng DSWD hindi lamang tulong ang ibinibigay ng ahensiya kundi nagbibigay ito ng pagasa sa bawat pamilyang Pilipino na bumabangon sa kahirapan at mga komunidad na lubhang naapektuhan ng kalamidad.
Dagdag pa ng Presidente ang mga programa ng DSWD ay nangangailangan ng sama samang pwersa at suporta.
Panawagan ng pangulo na gawin natin ang bansa kung saan ang bawat Pilipino ay may tiyansang mangarap, magsikap para maging matagumpay.