Personal na inimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si UAE Vice President at Prime Minister Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum na bumisita sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap at magsaliksik ng iba pang mga aspeto sa pakikipagtulungan.
Ginawa ng Pangulo ang kaniyang imbitasyon ng magpulong ang dalawang lider kung saan lumagda ng ilang mga bilateral agreements ang dalawang bansa.
Itinuturing ni PBBM na naging produktibong ang pagbisita nito sa UAE.
Umaasa ang pangulo na maging matagumpay ang implementasyon ng mga nasabing kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at UAE.
Ilan sa mga bilateral agreements na nilagdaan ng Pilipinas at UAE ay sa culture, energy transition, legal cooperation, artificial intelligence and digital economy, improvement of government activities, visa waiver for holders of diplomatic, special, and official passports, at investment cooperation.
Ang isang isang araw na working visit ni Pang Marcos sa UAE ay nataon din sa paggunita ng ika-50th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at UAE na naitatag nuong August 19, 1974.