-- Advertisements --

Inimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Thai Prime Minister Paetongtarn Shinawatra na bumisita sa bansa.

Ipinarating ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang imbitasyon sa ginawang pulong niya kay Thai Foreign Minister Maris Sangiampongsa.

Dagdag pa ni Manalo na sa nasabing imbitasyon ay mas lalong lalakas ang relasyon ng Pilipinas at Thailand.

Magkakaroon din ng personal na pagtalakay ng dalawang lider sa mga hamon na kinakaharap sa regional at international.

Nagkita na sina pangulong Marcos at Thai Prime Minister noong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Meetings noong nakaraang linggo sa Laos.