Personal na ininspeksyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang state-of-the-art Rice Processing System II sa Echague, Isabela.
Ang pasilidad ay bahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program na may kabuuang investment na P67.48 million.
Binubuo ito ng multi-stage rice mill na may kakayanang maggiling ng 3 tonelada kada oras at 5 recirculating dryers na ang bawat isa ay kayang magproseso ng 12 tonelada ng bigas.
Layon ng programa na mabawasan ang production cost at mapababa ang post harvest losses.
Inaasahang makikinabang dito ang lokal na industriya ng bigas lalo na ang mga magsasaka para mapataas ang kanilang kita at matiyak ang matatag na supply ng bigas.
Ang lalawigan ng Isabela ang pangunahing benepisyaryo ng RPS II, bilang suporta sa higit 70 libong magsasaka.
Tinayang aabot sa higit 66 na libong ektarya ang lupang sinasaka ng mga ito sa nasabing probinsya.