Personal na nagtungo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Iloilo Sports Complex sa La Paz, Iloilo City ngayong araw upang inspeksyunin ang ginaganap na Trabaho para sa Bagong Pilipinas, kung saan nasa 2,500 na mga Ilonggos ang nag register.
Ang nasabing programa ay isang job-matching event na layong tulungan ang mga graduating beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na maging self-sufficient at hindi na umasa sa sa ayuda mula sa gobyerno.
Ang kaganapang ito, naga-alok ng maraming bakanteng posisyon sa iba’t ibang sektor.
Maging ang pre-employment assistance, available rin dito.
Ayon kay Pangulong Marcos, ginagawa na ng pamahalaan ang lahat upang mailapit ang trabaho para sa mga Pilipino, at upang mapagtugma ang kakayahan ng mga ito, sa katangiang hinahanap sa isang posisyon.
Umaasa si Pangulong Marcos na makakatulong ang mga ganitong inisyatiba sa pagpapataas ng bilang ng mga Pilipinong mayroong trabaho sa bansa, lalo’t sila naman sa gobyerno, nakikinig sa mga hinaing ng publiko.
Bukod sa job fair nanduon din ang DSWD para magsagawa ng payout para sa mga beneficaries ng 4Ps.
Tampok din ang ang Kadiwa ng Pangulo ng Department of Agtriculture para sa murang pagkain.