-- Advertisements --
Iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ligtas at accounted ng lahat ang 17 Pinoy seafarers na una ng nasa kustodiya ng Houti rebels.
Una ng nagpadala ng ulat sa Pangulo ang embahada ng Pilipinas sa Riyadh.
Siniguro naman ng Pangulong Marcos sa mga kamag-anak at mahal sa buhay ng 17 Pinoy seafarers na hindi nagpabaya ang pamahalaan at ginawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya upang maibalik ang mga ito pabalik ng bansa.
Kaisa din aniya ang Pilipinas sa panawagan din ng ibang mga bansa para sa mabilis na resolusyon hinggil sa nagpapatuloy pa ring conflict sa Middle East region.