Pinakukunsidera ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa mga concerned agencies ang maagang pagpapakawala ng tubig sa mga dam at huwag ng paabutin na umapaw pa ito nang sa gayon hindi lubhang maapektuhan ang mga komunidad na sasalo sa tubig baha.
Sa situation briefing ng Pangulo dito sa NDRRMC kaniyang binigyang-diin na dapat itong planuhin ng mabuti.
Nais ng punong ehekutibo na ipatupad ang isang measured response na kahit hindi pa high water level ay magpakawala na ng tubig.
Sinabi ng Pangulo sa sandaling maranasan na ang malakas na ulan mas naibaba na ang tubig.
Aniya mahalaga na magkaroon ng breathing room na hindi na paabutin ang tubig sa high water level.
Pinasisiguro ng Pangulo na ang tubig na pakakawalan ng mga dams ay hindi makaka dulot ng pagkasira, pinsala at malawakang pagbaha.
Sa isinagawang situation briefing sa Office of the Civil Defense, pinatitiyak ng presidente sa mga ahensiya ng gobyerno ang agarang tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine.