Nagbigay ng guidance si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Air Force (PAF) para sa pagpapatatag pa ng kakayahan ng mga ito, sa pag-depensa ng soberanya, teritoryo, at patuloy na pag-unlad ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Communications Secretary Cheloy Velicaria- Garafil na ilan lamang sa mga natalakay sa command conference na pinangunahan ni Pangulong Marcos, sa Villamor Air Base ngayong araw.
Ayon sa kalihim, inilatag kay Pangulong Marcos ang mga plano, pinaka-huling aktibidad, at mga isinusulong na proyekto ng Philippine Air Force (PAF).
Nagbigay aniya ng inputs ang pangulo, sa ilang mga proyektong ito.
Bukod kay Pangulong Marcos, present sa command con ngayong araw, sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Defense Secretary Gibo Teodoro, Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo, at AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.