-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na bawasan ang tensiyon sa China kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr.

Inihayag ni Brawer na malinaw nilang inilatag ang mga patakaran ng pakikipag-ugnayan.

Kanila din iprinisinta ang kanilang updated territorial defense plan sa Pangulo.

Ikinasiya naman ng Punong Ehekutibo ang nasabing plano na maituturing na isang holistic approach.

Hindi lang ito nakatutok sa external defense kundi maging sa loob ng ating bansa.

Hindi idinitalye ni Brawner kung ano ang kanilang gagawin para mabawasan ang tensiyon dahil operational matters ito.

Siniguro ni AFP chief na magpapatuloy ang kanilang rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Una ng inihayag ng Pangulo na i-level up na ang pagtugon sa isyu sa West Phl Sea hindi lamang dapat makuntento sa mga inihahaing diplomatic protest.