Agad ipinag utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan para sa agarang tulong sa mga naapektuhan ng biglaang pagbaha sa Cebu City.
Nasa Cebu kahapon ang punong ehekutibo para sa ilang aktibidad nito kabilang na ang pagbubukas ng palarong pambansa
Sinabi ng pangulo na nakatanggap siya ng inisyal na ulat na nagsasabing nagkaroon ng pagguho ng mga istruktura at pagkasira ng mga ari arian dulot ng malalakas na pag ulan na nagresulta sa flashfloods.
Sa ngayon ayon sa pangulo ay nagsasagawa na ng search and rescue operations ang mga otoridad lalo na sa carmen sa minglanilla at sa cebu.
Tiniyak ng pangulo na nagtutulungan ang national govt at local govt units kabilang ang op at dswd para maihatid nang mabilis ang kailangang tulong sa mga naapektuhang residente.
Ayon sa pangulo, dalangin nila ang kaligtasan ng mga biktima
Sa kabila ng mga hamong ito, sinabi ng pangulo na nananayiling matatag at nakaatutok ang pamahalaan sa layunin katulad ng mga atletang sasabk sa palarong pambansa.