Pina-iimbestigahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang umano’y wiretapping incident na kinasangkutan ng Chinese embassy dito sa Manila laban sa isang ranking official ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sinabi ng Pangulo na kanila itong tinitignan ngayon lalo at nababanggit ang tape na nagku kumpirma na mayruong kasunduan.
Binigyang-diin ng Presidente na masyadong maaga pa para magbigay ng konklusyon at hanggat hindi niya narinig mismo ang nilalaman ng umano’y wiretapping conversation.
Ayon kay Pangulong Marcos ang nasabing tape ay nasa posesyon ng Chinese embassy, hanggat hindi nila ito inilalabas, mahirap na paniwalaan na mayruong kasunduan.
Binigyang-diin naman ng Pangulo na may kasulukayang polisiya ang gobyerno hingging sa wiretapping issue.
Ipinunto ni Marcos na very conscious ang gobyerno hinggil sa banta sa cybersecurity.
Sa ngayon mayruon ng ginagawang hakbang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Science and Technology (DOST) para palakasin pa ang cybersecurity ng bansa.