Mariing ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabawal sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno na gumamit ng wangwang, blinkers at iba pang kahalintulad na signaling o flashing devices para sa kapakanan ng publiko.
Batay sa Administrative Order No. 18, binigyang diin ni PBBM na ang hindi awtorisado at pagkalat ng mga wangwang at iba pang devices ay nagdudulot ng pagkaantala ng trapiko at hindi ligtas na mga kalsada at kapaligiran.
Samantala, exempted naman sa direktiba ang Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), fire trucks, hospital ambulances at iba pang emergency vehicles.
Kasabay nito, ipinag-utos din ng Malakanyang sa Department of Transportation (DOTr) at iba pang ahensya ng gobyerno ang pag-review, pag-regulate o pag-evaluate at pag-update sa mga umiiral na polisiya at patakasan upang matiyak ang epektibong emplementasyon ng nasabing direktiba.