-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha ng isang special committee na tututok sa pagtugon sa isyu ng diskriminasyon na kinakaharap ng Lesbian Gay Bisexual Transgender (LGBTQIA+) community.

Ito ay sa bisa ng Executive Order No. 51 na inisyu ngayong araw na layuning palakasin pa ang mga umiiral na mekanismo para matugunan ang patuloy na nasabing isyu.

Ang chairperson ng Special Committee on LGBTQIA+ Affairs ay mapapabilang na sa Inter-Agency Committee on Diversity and Inclusion na gagawin ng Diversity and Inclusion committee.

Papamunuan ang naturang komite ng Department of Social Welfare secretary, kasama ang mga kalihim ng Migrant Workers and Labor na magsisilbi bilang co-chairpersons.

Mayroon din itong 3 miyembro na may ranggong assistant secretary na itinalaga ni Pang. Marcos mula sa mga miyembro ng organisasyon na nagrerepresenta LGBTQIA+ community.

Magcoconvene ang naturang komite isang beses kada kwarter at tiyakin ang mga polisiya ay epektibong magtataguyod ng pagkakapantay-pantay, walang diskriminasyon, pagsasama at kapakanan ng LGBTQIA+ community.

Ang naturang executive order ay inisyu ilang araw matapos ang makasaysayang pag-apruba ni Pope Francis sa pagbibigay ng basbas sa same-sex marriage sa ilalim ng ilang mga kondisyon.