Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Justice at iba pang mga ahensiya ng gobyerno ang pagpapaigting ng kanilang kampaniya laban sa human trafficking at panatilihin ang Tier 1 ranking ng bansa sa ilalim ng US State Department.
Ginawa ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano ang naturang pahayag ilang araw bago ang nakatakdang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Jakarta, Indonesia mula Setyembre 5 hanggang 7.
Dito, inaasahnag tatalakayin ng Pangulo ang naturang isyu sa mga lider ng ASEAN.
Sinabi pa ni ASec. Clavano na binigyan sila ng Panguo ng specific instructions para mapanatili ang Tier 1 ranking ng bansa.
Ang Tier 1 ranking kasi ang pinakamataas na classification na ibinibigay ng US State Department na nagpapakita na ganap na natutugunan ng bansa ang minimum standards para sa pagsawata ng trafficking at aktibong gumagawa ng mga hakbang para matugunan ng isyu.
Kamakailan inisyu ang 2023 Revised Inter-Agency Council Against Trafficking Guidelines on Departure Formalities for International-bound Filipino passengers para malabanan ang human trafficking.
Liban pa dito, nakikipagtulungan din ang naturang konseho sa DOJ kasama ang ASEAn partners nito para mapalakas ang kooperasyon laban sa transnational crime.
Natukoy din ang hotspots areas para sa human trafficking sa mga Pilipino gaya ng Thailand, Myanmar, Cambodia at Laos.