Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon ng pasok at klase sa araw ng lunes, Hulyo-24, ang araw ng kanyang ikalawang SONA.
Ito ay batay sa inilabas ng pangulo na Memorandum Circular na may petsang july 21 at pirmado ni Executive Secretary Lucas
Nakasaad sa nasabing MC na ang suspension ng pasok at trabaho ay upang maprotektahan ang publiko mula sa posibleng epekto ng typhoon egay kasama na ang posibleng epekto ng 72-hour transport strike na naunang ikinasa ng mag progresibong grupo.
Batay sa nakasaad sa MC, ang pasok sa lahat ng antas sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa buong NCR ay suspendido.
Suspendido rin ang pasok sa lahat ng mga government agencies sa buong NCR, msliban lamang sa mga ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng pangunahing serbisyo katulad ng basic at health services, preparedness/response to disasters and calamities.
Samantala, nasa diskresyon naman ng mga private companies at private schools kung sususpindihin nila ang pasok sa kani-kanilang opisina.