-- Advertisements --

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahalaga na magtulungan ang lahat ng ahensiya ng gobyerno o whole-of-government approach para tulungan at mapataas pa ang antas ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) at mapanatili ang antas ng bansa bilang nangunguna sa global maritime industry.

Sa pagdalo ng Chief executive sa 200th Commencement Exercises ng PMMA “Madasiklan” Class of 2023 ngayong araw sa Zambales, binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng suporta ng private sector sa pag promote ng quality maritime education and training ng sa gayon mas magiging innovative, resilient at madaling maka-adopt sa maritime demands.

Nasa 224 cadets ang nagtapos ngayong araw, kung saan mismong si Pangulong Marcos ang nanguna sa pamamahagi ng diploma at awards sa mga outstanding graduates.

Ipinunto din ng Pangulo na ang tagumpay ng Philippine maritime industry ay isang mabuting investment na magbibigay ng oportunidad hindi lamang sa mga graduates kundi sa kanilang mga pamilya at sa sambayanang Pilipino.

Dumalo din sa graduation ceremony si dating pangulo at ngayong Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, kasama sina Special Assistant to the President Sec. Antonio Lagdameo, Zambales Governor Jun Ebdane, at PMMA Supt. Commodore Joel Abutal.