Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang whole-of-gov’t approach para sa recovery efforts sa Bagyong Aghon lalo na sa apat na rehiyon na lubhang tinamaan.
Ginawa ng pangulo ang pahayag bago ito bumiyahe patungong Brunei Darussalam at working visit niya sa Singapore.
Pinatitiyak din ng Punong Ehekutibo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH) na mabibigyan ng tulong at medical support ang mga kababayan natin sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Aghon.
Inatasan din ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr) na agad magdeploy ng mga tauhan para sa agarang recovery sa mga nasiraan na mga infrastractures at mga transportation centers.
Sinabi ng Pangulo nakikipag-ugnayan na ngayon ang national government sa mga local government units para sa recovery measures matapos ang paghagupit ni bagyong Aghon sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa Presidente nasa PhP1.35 million halaga ng tulong ang naipamahagi ng DSWD sa mga apektadong lugar na hinagupit ng Bagyong Aghon, habang nasa PhP607.9 million fund ang naka standby ngayon.
Kuntento naman ang Pangulo sa mga ipinapatupad na hakbang ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan lalo na sa search and retrieval operations gaya ng AFP, PCG at BFP.
Siniguro din ng Punong Ehekutibo na ipagpapatuloy ng gobyerno na maghanap ng mga paraan para sa madaling pag rekober ng mga kababayan natin na apektado ng Bagyong Aghon.
Tinamaan ng Bagyong Aghon ang Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas.