Personal na ininspeksyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang nasabat na dalawang toneladang iligal na droga na nagkakahalaga ng P13.3 billion.
Ito na ang biggest drug haul sa ilalim ng Marcos Jr administration.
Kahapon ng umaga nasabat sa isang PNP check point sa Barangay Pinagkrusan, Alitagtag,Batangas.
Arestado ang driver ng van na nakilalang si Michael Alajon Zarate, 47-anyos residente ng Quezon City.
Ayon kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang pagkakasabat sa bilyun bilyong halaga ng iligal na droga ay patunay na gumagana ang ipinatutupad na istratehiya ng gobyerno na walang dugo na dumanak.
Pinatitiyak din ng Pangulo sa PNP and PDEA na ipagpatuloy ang kanilang ginagawa.
Palakasin pa ang intelligence gathering para masabat ang mga big time drug syndicate.
Naniniwala si PBBM na ang nasabing iligal na droga ay galing sa ibang bansa.
Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon upang mabatid kung anong bansa ang pinanggalingan ng nasabing iligal na droga na isang high quality.