Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Migrant Workers (DMW) na bigyan ng suporta ang 20 Pinoy seaferers na apektado ng pag-atake sa Red Sea.
Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, nasa ligtas na kalagayan ang mga Pilipino at tuluy-tuloy din ang pakikipagpulong ng DMW sa pamilya ng mga seaferer.
Pinasalamatan naman ni Cacdac ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa walang patid na suporta nito para matiyak ang kaligtasan ng Filipino seaferers at ang patuloy na pakikipagugnayan nito sa Iranian authorities sa local manning agency kaugnay sa kalagayan ng 3 Pilipinong sefarers na lulan ng MSC Aries.
Una rito, nasa 3 Pilipinong seaferers ang sakay noon ng container ship na MSC Aries nang kubkobin ng Iranian authorities noong Abril 13 habang mayroon namang 17 Pilipino seaferers ang lulan ng Roro vehicle carrier na Galaxy leader nang atakehin naman ito ng Houthi rebels sa Red Sea noong Nobiyembre ng nakalipas na taon.