-- Advertisements --

LAOAG CITY – Ipinag-utos umano ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Dept. of Health na siguraduhing hindi malilimitahan ang mga benipisyo na matatanggap ng mga miyembro ng Philippine Health Corp.

Ito ay sa kabila ng pagsuspenso ng pagtaas ng premium rate na ipapatupad sana ngayong taon.

Sinabi ni Department of Health officer in-charge Maria Rosario Vergeire na wala naman silang nakikitang masamang epekto sa hindi pagtaas ng premium rate.

Inihayag rin nito na hindi lamang ito ang unang pagkakataon na hindi tumaas ang premium rate ng mga miyembro ng Philhealth kung saan mas mabuti na rin para makabawi ang mga Pilipino mula sa epekto ng pandemya.

Napag-usapan na rin aniya ito ng Dept. of Health at board members ng Philhealth kung saan sinigurong maipapatupad ang utos ng pangulo.

Samantala, masayang ipinaalam ni Vergeire na sa kabila ng pagsuspindi ng pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro ng Philhealth ay dumami pa ang benipisyong maaaring ma-avail ng mga ito.