-- Advertisements --
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga tanggapan ng gobyerno na manguna sa energy conservation efforts.
Ito ay matapos na ilagay ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon grid sa red at yellow alerts at ang Visayas grid naman sa yellow alert.
Kaya’t inatasan ng Pangulo ang mga ahensiya ng gobyerno na magtakda ng standard sa pagkonserba o pagtitipid ng kuryente.
Sinabi din ng pangulo na mahalagang magtulungan na matiyak ang matatag na suplay ng kuryente para sa sunod na mga araw.
Dapat din aniyang i-adopt ang energy-efficient practices at magtulungang malagpasan ang hamong ito.
Ipinag-utos din ng Pangulo sa DOE na masusing imonitor at makipagtulungan sa stakeholders na tugunan ang power supply situation.