Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kayang matugunan ng gobyerno ang target na 1 milyong pabahay sa kada isang taon.
Ipinagmalaki ng Pangulo na nasa loob ng 10 buwan nasa 1.2 milyong pabahay na ang kanilang nasimulang maipatayo.
Kumpiyansa ang Pangulo na malagpasan nila ang target lalo at masigasig sa pagtatrabaho si Dept of Human Settlement and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar.
Hinamon ng Pangulo si Acuzar na sa susunod nilang pag iikot ay dalhin naman siya sa mga lugar kung saan may nakatayo nang mga pabahay o nasimulan na ang pagpapatayo para ipakita ang numerong kaniyang sinasabi at para patunayan sa publiko na talagang may naipatatayo na silang mga pabahay.
Binigyang-diin ng chief executive na kung magpapatuloy ang construction ng mga pabahay,hindi imposibleng makamit nila ang target na 6.5 milyong housing units sa loob ng anim na taon ng kaniyang termino.
Sa ngayon aniya ay dumarami ang nagpapa miyembro sa PAGIBIG Fund at marami ang intresadong mag aplay para sa pabahay.
Indikasyon aniya ito na talagang may market o marami ang gustong magkabahay.