Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) ang ibat ibang proyekto at programa ng gobyerno para lumakas pa ang sektor ng agrikultura at upang makamit ang food security ng bansa.
Sinabi ng Pangulo na pakatutukan ng kaniyang administrasyon ang pagpapalakas sa lokal na produksiyon.
Bukod sa mga proyekto, binigyang-diin ng Pangulo ang buhos na suporta ng gobyerno sa mga magsasaka at mangingisda gaya ng pamamahagi ng 100 milyong kilo ng mga sari-saring binhi, suwi at pataba at para maiwasan ang pagkasira ng mga produkto.
Namigay din ang pamahalaan ng mahigit tatlong daang libong inahin upang ito ay maparami.
Mahigit limandaang milyong fingerlings at tatlong libong bangka ang naipamahagi para sa mga mangingisda.
Nakatulong din ang mga ginawang pagsasa- ayos sa mga fish ports na layong masuportahan ang fishery industry.
Ipinagmalaking inulat ng Pangulo na matatapos na rin ang nasa 1,200 kilometer farm to market roads sa buong bansa na malaking tulong para mapabilis ang pagbaba ng mga produktong pang agrikultura patungo sa merkado.
Sa ngayon, sinabi ng Pang. Marcos na sinimulan na rin ng gobyerno ang proyektong Lawa at Binhi kung saan isinasagawa na ang mga modernong imbakan ng tubig upang lalong maging handa at protektado ang mga magsasaka sa banta ng tagtuyot.