Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang malaking kontribusyon ng turismo sa ekonomiya ng bansa partikular nuong 2023.
Ayon sa Punong Ehekutibo, 48 percent ito na mas mataas sa 1.41 trillion Tourism Direct Gross Value Added (TDGVA) nuong 2022.
Ang nasabing halaga ay nag rerepresenta ng 8.6 percent Gross Domestic Product (GDP) ng bansa o nasa PhP2.09 trillion na tinatayang nasa US$35 billion.
Inihayag ng Pangulo na ang 2023 Tourism Direct Gross Value Added (TDGVA) ay impressive bilang pinakamataas na naitala simula nuong 2000.
Sa talumpati ng Pangulong Marcos sa opening ceremony ng ika-36th Joint Meeting of the United Nations (UN) Tourism Commission for East Asia and the Pacific and the UN Tourism Commission for South Asia na ginanap sa Cebu City, ipinunto ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng turismo sa ekonomiya ng bansa.
Binigyang-diin ng Pang. Marcos, dahil sa kontribusyon ng Department of Tourism (DOT), nalagpasan ng gobyerno ang 2023 tourist arrival na target na umabot sa 4.8 million matapos maitala ang 5.45 million international tourists.
Batay sa datos ang International tourist arrival sa Pilipinas umabot sa 2.9 million mula January to March 2024.
Nagpahayag ng optimismo si Pangulong Marcos na ang 36th Joint Meeting ng UN Tourism Commission para sa Silangang Asya at Pasipiko at ng UN Tourism Commission para sa Timog Asya ay hahantong sa mas mahusay na mga kasanayan at mas maraming pagdating ng turismo sa Pilipinas at sa buong mundo.