-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang projected GDP growth ng Pilipinas ang nanguna sa buong Asya.

Ayon sa Pangulo nasa 6% ang projected GDP growth base na din sa World Economic Outlook na inilabas ng International Monetary Fund ngayong buwang ito ng Abril.

Dahil dito, sinabi ni Pangulong Marcos, lalo pang pag- iibayuhin ng kanyang administrasyon ang pagta- trabaho upang lalong mapalakas ang ekonomiya ng bansa.

Asahan aniya sabi ng Pangulo na mas lalo pang bibigyang pansin ng pamahalaan ang mga hakbangin na nakatuon sa pagpapa- unlad ng ekonomiya tungo sa isang bagong Pilipinas.

Pumangalawa naman sa 2023 GDP forecast kasunod ng Pilipinas ay ang India na nasa 5.9 % habang pumangatlo ang Vietnam na nasa 5.8% at nasa ika-apat ang China na nasa 5.2%.

Nas 5 % naman ang Indonesia, 4.5% ang Malaysia habang ang Thailand ay nasa 3.4% ang projected GDP growth.

Sa kabilang dako, inihayag naman ng Department of Trade Industry (DTI) na nakatakda na nilang ilabas ang Philippine Export Development Plan 2023-2028 sa darating na June 9.

Ayon kay DTI Secretary, Alfredo Pascual nakapaloob sa Philippine Export Development Plan (PEDP) 2023-2028 ang mga listahan ng mga strategies ng gobyerno para sa susunod na limang taon para mapataas pa ang exports of goods and services mula sa Pilipinas.

Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nagpapakita na ang exports of goods and services nuong nakaraang taon ay umabot sa USD $98.52 billion.