-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang Pilipinas ay nag level up na bilang isang maaasahan at aktibong partner sa paglaban sa terorismo, na isang pandaigdigang hamon.

Sa mensahe ng Pangulo sa ika-33rd Anti-Terrorism Council Regular Meeting na ginanap sa Palasyo ng Malakanyang sinabi nito malayo na ang narating ng konseho na lalong lumakas pa ang ugnayan ng Pilipinas sa mga international allies gaya ng United Nations, at mga organisasyong pangrehiyon kung saan napataas ang kakayahan upang tugunan ang mga banta.

Ayon sa Pangulo ang misyon ng Anti-Terrorism Council ay higit pa sa pag-neutralize sa mga banta ng terorista.

Sa ngayon mayruon na ring mga programang ipinatupad para pigilan ang karahasan na dulot ng terorismo.

Dagdag pa ng chief executive, kapag binibigyang kapangyarihan ang mga lokal na pinuno at hinihikayat ang kabataan, at nagbibigay ng mga paraan para sa diyalogo, nagtatayo tayo ng mas ligtas, mas nagkakaisang Pilipinas.

Ang mga pagsisikap na ito ay nagtatanim ng mga binhi ng pag-asa, ang mga binhi ng katatagan, na tinitiyak na ang bawat Pilipino ay maaaring tamasahin at makinabang mula sa mga bunga ng kapayapaan.