-- Advertisements --
Ipinaliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang pag-biyahe sa sa iba’t ibang bansa.
Ayon sa Pangulo, ang kanyang overseas trips ay para maipalaganap ang pagbabago sa Pilipinas at humiling sa potensyal na foreign investors kung ano ang kailangan para maging mas investment-friendly pa ang bansa.
Ibinahagi pa ni PBBM na layunin ng kanyang overseas trips para palakasin ang iba’t ibang industriya na maaaring makatulong sa pagrekober ng ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pagdalo nito sa kanyang ikatlong byahe sa Singapore para sa 10th Asia Summit.