Ipinaliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang dahilan ng pagbisita ng mga anak ng aktres na si Kris Aquino na sina Bimby at Josh kahapon kay First Lady Liza Araneta Marcos sa kaniyang tanggapan sa Malakanyang.
Sinabi ng Pangulo na humingi ng tulong ang aktres na si Kris Aquino sa Unang Ginang para sa isang travel arrangement.
Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Marcos na nagpasalamat lamang ang magkapatid kay First lady Liza marcos dahil tumulong ito sa concern ng ina hinggil sa isang travel arrangement, na hindi na nito idinetalye pa.
Ayon sa pangulo, isang human interaction lamang ito sa pagitan ng mga pamilya.
Hindi aniya batid ng marami pero magkamag anak sina unang ginang at kris aquino at Auntie o tiyahin ito nina Bimby at Josh.
Paliwanag ng Pangulo, ang tita ni First lady Liza ay napangasawa si Don Pepe na nakatatandang kapatid ni dating Pangulo Cory Aquino.
Ayon sa pangulo bumisita ang dalawang anak ni Kris kay First lady Liza na kaniyang mga pamangkin at nagdala ng pasalubong.
Sinabi pa ng Pangulo na noon pa naman aniya ay okay naman ang relasyon ng mga Aquino at Marcos, hindi nga lamang aniya sila magkasundo sa usaping politika.
“ I think it was just to help them for their travel arrangements. So, tumulong si First Lady at ‘yun lang. Sabi lang magpapasalamat sila. And so — I think it was a very fine gesture on the part of the Aquino family. I think it was — it sort of I suppose put a little more — how do you say — personal, a human interaction between our families. Well, we’ve always been okay. We just don’t agree politically,” Pahayag ni Pang. Marcos.