Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Budget Secretary Secetary Amenah Pangandaman na siyang Co-Chair na madaliin na ang pagsasapinal sa Intergovernmental Relations Body manual of operations and resolutions para sa tinukoy na mga issues.
Sa talumpati ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., kaniyang binigyang-diin ang mahalagang papel ng IGRB manuals ay magkakaruon ng malinaw na gabay sa pagpapatakbo ng mga mekanismo at, masisiguro ang maayos at organisadong koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng mga iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
Ginawa ng Pangulo ang payahag sa isinagawang ceremonial turnover ng Third Intergovernmental Relations Body Progress Report.
Naibigay na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos jr ang ikatlong intergovernmental relations body o igrb progress report.
Iniabot ni IGRB Chair at DBM Secretary Amenah Pangandaman ang progress report sa Pangulo kasama si Minister Mohagher Iqbal, Ministry ng basic, higher and technical education at co chair ng IGRB.