Ipinatatanggal ni PAngulong Ferdinand marcos Jr sa unprogrammed appropriations ang mga programa ng Department of Social WElfare and Development (DSWD).
Sa ginanap na pulong sa malakanyang kasama si DSWD Sec. rex gatchalian, inihayag ng pangulo na simula sa susunod na taon ay dapat wala na sa unprogrammed funds ang mga programa ng nasabing kagawaran, upang matiyak na mas mabilis itong maihahatid sa mga nangangailangan.
Kasama sa pulong ang mga economic managers na sina Budget Sec. Amenah Pangandaman, Finance Sec. Ralph Recto, Neda Sec. Arsenio Balisacan, at iba pang opisyal.
Kung maalala na humiling ang DSWD ng P41.8 billion pesos na karagdagang pondong huhugutin sa unprogrammed appropriations, upang magamit sa grants ng pantawid pamilyang pilipino program o 4ps mula agosto hanggang disyembre 2025.
Tinalakay din sa nasabing pulong ang budget ng ahensiya sa ilalim ng 2025 general appropriations act at national expenditure program.