-- Advertisements --

Naninindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahalaga na mapanatili ang kapayapaan at sumunod sa rules-based order na siyang cornestone ng kaniyang Philippine foreign policy sa gitna ng tumataas na geopolitical tension sa Asya.

Sa isang panayam sinabi ng Pangulong Marcos na ang kaniyang admistrasyon ay magpapatuloy na magbuo ng malakas na alyansa sa mga kaalyado nito.

Inihayag din ng chief executive na ang pagiging agresibo ng China ay nagbibigay ng tunay na hamon sa mga kapitbahay na bansa nito sa Asya.

“I’m afraid we’ll have to be able to say that tensions have increased rather than diminished for the past months or the past years and that’s why we have to – but we continue to counsel peace and continue communication between the different countries—everyone that is involved,” pahayag ni Pang. Marcos.

Dagdag pa ng Pangulong Marcos, “And this has become – I sometimes say, and I think it still applies, the South China Sea situation is the most complex geopolitical challenge that the world faces.”

Sinabi ng Pangulo sa sitwasyon ng Russia-Ukraine war na kaniyang inilarawan na isang trahedya ay walang bansa partikular sa Asya ang nais na mag-umpisa ng labanan.

Naniniwala ang Pangulo na sa ganitong mga bagong problema na kinakaharap ay nangangailangan ng bagong solusyon.

“I cannot say that we have found the answer yet. We are still trying to formulate that answer as we speak. And things are moving very quickly in many parts of the China Sea and so there are changes in terms of approaches,” pahayag ng Pangulong Marcos.

Ipinunto din ng Pangulo ang patuloy na pagtaas sa collaboration sa pagitan ng Pilipinas at Japa na kaniyang itinuturing na isang “very good example of evolution.”

Ang Pilipinas ang siyang unang recipient Japanese Official Security Assistance (OSA).

“This alliance that we have come together with Japan is again, is to show, to help us rather, work together more closely.

Because in the military, since there is a tactical operation that we really have to train with one another,” pahayag ng Pangulo.

Nasa Tokyo ngayon ang Pangulong Marcos para dumalo sa ASEAN-JAPAN Commemorative Summit.