Itinalaga ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., bilang bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA) ang fishing tycoon na si Sec. Francisco Laurel Jr.
Ayon kay Pang. Marcos ang pinaka unang marching order nito sa bagong kalihim ay tiyakin na ma kontrol ang pagtaas ng presyo ng mga agriculture products kasama ang pagtugon sa climate change.
Sinabi ng Presidente na panahon na para may maupo ng bagong kalihim sa Department of Agriculture (DA) na siyang magkukumpas sa mga dapat gawin sa ahensiya.
Kumpiyansa ang Pangulo sa kapabilidad ni Laurel na pamunuan ang ahensiya na lubos na nakakaintindi sa problema na kinakaharap nito.
Binigyang-diin ni Pang. Marcos na pareho ang kanilang pagkakaintindi at pananaw sa pagtugon sa problema.
Inihayag ng Pangulo kung bakit hindi siya agad nagtalaga ng kalihim dahil batid nito na marami ang kailangan tugunan na presidente lamang ang makakagawa.
Si Laurel ay kilalang fishing tycoon na nagmamay ari ng kumpanyang gumagawa ng mga seafood products.
Kaninang umaga nanumpa si Laurel kay Pang. Marcos bilang kalihim ng Department of Agriculture.
Inihayag naman ni Laurel na kaniyang sisiguraduhin na mapalakas ang produksiyon sa mga agri products ng sa gayon may murang pagkain na mabibili ang ating mga kababayan.