-- Advertisements --

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong pinuno ng Commission on Filipinos Overseas (CFO).

Ito’y sa katauhan ni Dante “Klink” Ang II, na may-ari ng The Manila Times (TMT).

Batay sa appointment paper na may petsang Oktubre 16, ipinagkakatiwala ni PBBM kay Ang ang nabanggit na pwesto na minsan nang hinawakan ng kanyang ama na si Dante Ang.

Papalitan ni Ang bilang chairperson ng komisyon si Romulo Arugay.

Itinataguyod din ng CFO ang paglipat ng teknolohiya, gayundin ang mga materyal at pinansiyal na kontribusyon mula sa ibang bansa para sa mga proyektong pangkaunlaran sa mga komunidad na kulang sa serbisyo sa buong Pilipinas.